Kaso ni P/Senior Master Sgt. Mollenido at anak, case closed na —DILG

Cased closed na para kay Interior Secretary Jonvic Remulla at sa Philippine National Police (PNP) ang double murder case ni Police Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido at walong taong gulang na anak nito.

Pangunahing suspek sa krimen ang inaanak ng biktima na si Pia Panganiban, isang ahente ng sasakyan, at asawa nitong si Christian Panganiban.

Ang motibo ng kaso ay ang ₱450,000 na ibabayad ng biktima na pambili sana ng isang sasakyan sa pamamagitan ng ahente.

Matapos magkabayaran, dito na binaril ng mga suspek si Mollenido sa ulo at binalutan ng plastic ang kanyang anak para hindi makahinga.

Pagkatapos ay ibinalot sa garbage bag ang mga biktima at magkahiwalay na itinapon sa Tarlac at Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon, January 15 pa lang namili na ng mga plastic bag ang mga suspek upang ipangtakip sa mga sofa sa bahay sa Novaliches kung saan gagawin ang krimen.

Napag-alaman din na wala talagang ibinebentang sasakyan sila Panganiban sa biktima at tanging habol lamang ng mga ito ay ang pera ni Mollenido.

Sa ngayon, nasampahan na ng kaso ang mga suspek sa krimen habang nananatiling person of interest at nasa restrictive custody ng pulisya si John Mollenido, ang asawa ng biktima. | via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *