Sinita ni Senator Raffy Tulfo si Tourism Secretary Christina Frasco kaugnay ng reklamo na mas marami pa raw ang imahe nito sa mga tourism promotion material ng Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Tulfo, parang mas nagpo-promote pa umano ng sarili ang kalihim kaysa sa mismong Pilipinas.
Giit ng senador, dapat ang bansa, hindi ang personalidad, ang sentro ng kampanya sa turismo.
Mariing pinabulaanan ni Secretary Frasco ang paratan.
Aniya, wala siyang intensyong mag-self promote at wala rin umano siyang balak tumakbo sa anumang national position.
Dagdag pa niya, baka raw mas ikalulugod ng senador na hindi na lamang siya bumisita sa mga destinasyon.
Agad namang nilinaw ni Tulfo na tungkulin ni Frasco ang bumisita sa mga tourist destination, pero hindi para i-promote ang sarili. | via Ghazi Sarip
