Pumasok sa last eight ng Philippine Women’s Open sa Rizal Memorial Tennis Center ang tennis sensation na si Alex Eala matapos talunin si Himeno Sakatsume, 6-4, 6-0.
Bagama’t nahirapan sa unang set, unti-unting nakuha ni Eala ang kanyang rhythm at tumuhog ng Siyam na sunod-sunod na games para tuluyang kontrolin ang laban.
Ito na ang ikalawang impresibong panalo ni Eala sa kanyang kauna-unahang pro tournament sa Pilipinas, matapos sibakin ang Russian na ai Alina Charaeva sa Round 1.
Malaki ang pasasalamat ni Eala sa suporta ng jampacked crowd na patuloy na sumusuporta sa natitirang Filipina sa torneo.
Sa quarterfinals, haharapin ni Eala ang No. 5 seed na si Camila Osorio ng Colombia. Dahil sa pagkatalo ng top seed na si Tatjana Maria, si Eala na ngayon ang pinakamataas na seed na natitira sa torneo. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern
