Sen. Imee Marcos, binalaan ang NTC kaugnay sa kanilang inilatag na draft circular

Nagbabala si Senator Imee Marcos sa National Telecommunications Commission (NTC) laban sa inilalatag nitong draft circular na umano’y taliwas sa layunin ng bagong Konektadong Pinoy Act, ang palawakin ang abot-kaya at maaasahang internet sa buong bansa.

Ayon kay Marcos na principal author ng batas, sa halip na pasiglahin ang kompetisyon at tulungan ang maliliit na telco, tila ibinabalik ng panukalang patakaran ang mga hadlang na pumapabor lamang sa malalaking kumpanya.

Tinuligsa rin niya ang mataas na kapital at bond requirements na maaaring pumigil sa pagpasok ng maliliit at community-based providers.

Kinuwestiyon din ng senadora ang probisyon na nagbibigay sa NTC ng malawak na kapangyarihang mag-disqualify ng aplikante nang walang malinaw na pamantayan, maging ang patakaran na nagbabawal sa online filing at nag-uutos ng mandatory paper submissions.

Hamon ni Marcos sa NTC, iayon ang mga patakaran sa diwa ng batas, tiyakin ang transparency, at isulong ang patas at episyenteng regulasyon. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *