National ID, mungkahing gamitin para sa aplikasyon sa AICS

Iminungkahi ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagdinig kaugnay ng usapin sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS na national ID na lamang ang gamitin bilang pangunahing dokumento para sa aplikasyon.

Ayon sa PSA, umaabot na sa 90 milyon ang rehistradong Pilipino sa system.

Dagdag pa ng ahensya, sinimulan na rin nilang bigyan ng PhilSys number ang mga batang may edad 0 hanggang 4 na taong gulang upang maaga pa lamang ay mayroon na silang opisyal na pagkakakilanlan.

Samantala, inamin naman ni PSA Division Chief Ma. Fides Wilma Marquez na matinding suliranin ang kinakaharap nila sa pag-imprenta ng physical national ID cards.

Sa ngayon, wala pang isinasagawang printing ng mga card at hindi rin masagot ng PSA kung kailan ito magbabalik, pati na kung ilang Pilipino na ang aktwal na may hawak ng pisikal na national ID. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *