Pormal nang natanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief Jose Melencio Nartatez Jr. ang kanyang four-star rank ngayong araw.
Dahil dito, opisyal na ang pag-upo ni Nartatez bilang ika-32 hepe ng pulisya.
Nanumpa na rin sa tungkulin si Nartatez sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nagpasalamat naman ang PNP chief sa mainit na pagtanggap sa kanya at tiniyak na haharapin ang kanyang responsibilidad nang may determinasyon at malinaw na layunin.
Dagdag pa niya, pamumunuan niya ang PNP nang tapat sa paglilingkod sa Konstitusyon at tutugon sa kanyang sinumpaang tungkulin.
Kung matatandaan, pinalitan ni Nartatez si dating PNP Chief Nicolas Torre III matapos itong sibakin sa pwesto noong Agosto 2025.
Bagama’t hindi pa pormal na nagretiro si Torre, nanatili si Nartatez bilang acting PNP chief.
Nitong December 2025, nanumpa si Torre bilang general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ayon sa National Police Commission, itinuturing na itong nagbitiw sa PNP. | via Alegria Galimba
