Bagamat sa Extreme Northern Luzon lamang ito mararanasan pero magdadala naman ito ng malamig na panahon at maulap na papawirin na may pulo-pulong pagulan sa lugar.
Samantala, patuloy na nakakaapekto sa mas malaking bahagi ng bansa ang Easterlies, o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean, kabilang na ang Metro Manila. Asahan ang maulap na panahon na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms, lalo na sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Walang inaasahang bagyong papasok o mabubuo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
(Source: PAGASA)