Pinoy na umano’y nasawi sa gitna ng pakikipaglaban sa Ukraine, kinukumpirma pa

Nakatanggap ng report ang militar ng Pilipinas galing sa Ukrainian intelligence na isang Pilipino umano ang namatay habang nakikipaglaban kasama ang puwersa ng Russia sa silangang Ukraine nitong Martes, January 27.

Hinala ng Ukraine’s military intelligence agency (HUR), ang biktima ay si John Patrick, isang Pilipinong nasawi sa Novoselika, Donetsk habang naglilingkod kasama ang puwersa ng Russia.

Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na wala pa raw kumpirmasyon mula sa mga opisyal ang iniulat na pagkamatay.

Hindi nagbigay ng pahayag si Padilla nang tinanong ang stance ng gobyerno ukol sa isyu ng mga Pilipino na ginagamit umano bilang mercenaries o mga kalahok pagdating sa mga tunggalian ng ibang bansa.

Pinaalalahanan ni Padilla ang publiko na laganap ang disinformation at dapat manatiling maingat kapag sinusuri ang mga balita. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *