Inalis na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang suspensyon sa pag-i-isyu ng letter of authority (LOA) matapos ang ginawang pagsusuri at pagbalangkas sa mga mungkahing reporma.
Kasunod nito, ipinatupad muli ang mga field audit matapos ihinto ang pag-i-isyu nito noong Nobyembre.
Ayon kay BIR Commissioner Charlie Mendoza, inilaan ang panahong sinuspinde ang LOA para pag-aralan at suriin ang umiiral na proseso at kumonsulta sila sa mga stakeholder para maipatupad ang reporma.
Ang mga reporma ay magsisilbing proteksyon laban sa mga umano’y pang-aabuso sa pag-a-audit o maling paggamit ng LOA na inireklamo ng mga negosyante noong nakaraang taon.
Dahil dito, muling pahihintuluan ang paglalabas ng LOA at mission orders alinsunod sa mas mahigpit na mga patakaran at mekanismo ng pagbabantay ng ahensya. | via Alegria Galimba
