Sen. Tulfo, pinagbibitiw sa pwesto ang FDA director

Nagalit si Senator Raffy Tulfo sa pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) matapos ipakita sa Senado ang mga pekeng gamot na nabili umano sa Binondo at Quiapo.

Giit ng senador, bigong gampanan ng ahensya ang tungkulin nitong hulihin at kumpiskahin ang mga delikadong produktong ito.

Muling nanawagan si Tulfo ng pagbibitiw sa pwesto ni FDA Director General Paolo Teston.

Tamad umano ito’t naghihintay lamang ng lagay, patutsada ng senador sa umano’y kapabayaan ng ahensya.

Bilang tugon, sinabi ni Teston na naglilingkod siya sa taumbayan sa pamamagitan ng Pangulo.

Handa raw siyang magsumite ng ulat ng kanyang mga nagawa mula nang maupo sa puwesto noong May 2025.

Dagdag pa niya, nag-alok na rin siyang magbitiw noong nakaraang taon kasunod ng panawagan ng Pangulo sa lahat ng pinuno ng ahensya na magsumite ng courtesy resignation.

Samantala, nanindigan si Tulfo na dapat managot ang FDA upang masigurong ligtas ang kalusugan ng publiko laban sa panganib ng mga pekeng gamot. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *