Malacañang: Huwag gawing biro ang kalusugan ng Pangulo

Huwag gawing biro ang kalusugan ng Pangulo—‘yan ang tugon ng Palasyo tungkol sa mga biro ni Senator Imee Marcos sa kanyang kapatid.

Matatandaang sinabi ni Senator Marcos na naka-confine sa ospital si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa sakit sa bituka at wala umanong nag-aalaga sa kanya sa Malacañang.

Dinala ang Pangulo sa St. Luke’s Medical Center Miyerkules ng gabi dahil sa “diverticulitis” isang karaniwan umanog dinadaing ng mga taong tulad ng Pangulo na 68 years old na.

Sa isang Viber message, nilinaw ni Castro na walang dapat ikabahala tungkol sa kalusugan ng Pangulo.

Matagal nang may alitan ang Pangulo at si Senadora Imee, mula nang masira ang alyansang Marcos-Duterte na naglukolok sa Pangulo at VP Sara Duterte sa pwesto. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *