Ferry na may 342 na pasahero lumubog sa may Basilan; 15, patay

Hindi bababa sa 15 ang patay matapos lumubog ang isang inter-island ferry malapit sa Basilan nitong madaling araw, January 26.

Sakay ng M/V Trisha Kerstin 3 ang 342 pasahero at crew members ng lumubog sa may Baluk Baluk Island sa Basilan sa Southern Mindanao.

Ayon sa mga rescuer, mahigit 138 na pasahero ang nasagip habang 18 katao ang isinugod sa ospital.

Natanggap ng Philippine Coast Guard ang distress call ala-1:50 ng madaling araw at agad nakipag-ugnayan sa mga local rescue group.

Patungo sana ng Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City ang RoRo vessel nang mangyari ang insidente bagama’t hindi pa malinaw ang naging dahilan ng paglubog nito.

Kinumpirma naman ng Coast Guard na hindi overloaded ang barko at sinabing ito’y may kakayanang magsakay ng 352 na pasahero. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *