Nagpulong sina Executive Secretary Ralph Recto, Health Secretary Teodoro Herbosa at PhilHealth President at CEO Edwin Mercado upang talakayin ang mga systematic solutions makasisigurong tunay na mararamdaman ng mga pasyenteng Pilipino ang Zero Balance Billing o ZBB.
Binigyang-diin ni Executive Secretary Recto ang pangangailanga sa mas malawak na pagkilos ng Department of Health at PhilHealth, sa pagpapatupad ng mga benepisyo at package, lalo na para sa middle class na patuloy na nagbabayad ng buwis at kontribusyon.
Ayon sa kanya, mahalagang makita ng mga kontribyutor ang makatarungan at katumbas na benepisyo mula sa kanilang mga ibinabayad.
Samantala, iniulat ng DOH na nasa huling yugto na ito ng pagkumpleto ng DOH–LGU Healthcare Provider Network o HCPN model.
Layunim nitong suportahan ang mga lokal na pamahalaan na nagbibigay ng mas mataas na antas ng serbisyong pangkalusugan, bilang bahagi ng pagpapalakas ng healthcare system sa bansa. | via Judea Bernardo, D8TV News
