Ilang campers, kabilang ang mga bata, ang pinangangambahang natabunan ng isang landslide sa isang holiday campsite sa North Island ng New Zealand.
Nangyari ang insidente Huwebes ng umaga matapos ang ilang araw ng record-breaking na ulan.
Ayon sa mga rescuer, narinig pa nila ang mga hiyaw ng saklolo habang sinusubukan nilang tanggalin ang bubong ng isang gusali upang mailigtas ang mga tao.
May mga saksing nagsabi na ilang segundo lang ang pagitan mula nang gumalaw ang mga puno hanggang sa rumagasa ang lupa.
Sinabi ng mga opisyal na delikado at komplikado ang operasyon ngunit tuloy-tuloy ang paghahanap hanggang mailigtas ang lahat.
Sa pinakahuing ulat, anim ang kumpirmadong patay at anim ang nawawala dahil sa landslide.
Nangako ang pamahalaan ng New Zealand ng buong suporta at muling nanawagan sa publiko na sundin ang payo ng mga lokal na awtoridad. | via Allan Ortega
