Crime rate sa Metro Manila, bumaba ng 24%

Bumaba ng 24% ang crime rate sa Metro Manila sa unang 20 araw ng 2026, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Philippine National Police o PNP.

Batay sa ulat ng National Capital Region Police Office o NCRPO, kapansin-pansin ang malaking pagbaba ng mga violent at property-related crimes.

Pinakamalaki ang ibinagsak ng rape na 67%, carnapping ng four-wheels na sasakyan na 89%, at carnapping ng motorsiklo na 60%.

Bumaba rin ang kaso ng murder ng 32%, physical injuries ng 10%, at theft ng 4%.

Samantala, mahigit 168,000 violators ang nahuli sa iba’t ibang operasyon ng pulis.

Sa bilang na ito, mahigit 52,000 ang pinagmulta, 871 ang kinasuhan, at halos 115,000 ang pinayuhan at pinalaya, na nagresulta sa mahigit P48 million na multa.

Ayon sa NCRPO, malaking tulong ang mas pinaigting na police operations, disiplina, at maayos na koordinasyon ng mga pulis sa tagumpay na ito. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *