P43-M na halaga ng cocaine nasabat sa NAIA

Isang interdiction operation ang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Huwebes, January 22, ang nagresulta sa pagkakaaresto ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) at pagkakasamsam ng mahigit ₱43.4 milyong halaga ng hinihinalang cocaine.

Inaresto ang 30-anyos na Filipina na nagtatrabaho bilang domestic helper.

Dumating siya mula São Paulo, Brazil at may connecting flight papuntang Doha, Qatar.

Nasamsam mula sa kanyang itim na maleta ang mga damit at isang tagong kompartimento na naglalaman ng humigit-kumulang 8,194 grams ng puting pulbos na hinihinalang cocaine.

Narekober din ang iba pang ebidensya tulad ng Philippine passport, iba’t ibang foreign currency, IDs, at bank cards.

Isusumite ang droga sa PDEA Laboratory para sa pagsusuri, at itinakda na ang inquest proceedings laban sa suspek. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *