Nakaaapekto ngayon sa malalaking bahagi ng bansa ang northeast monsoon o Amihan, kaya’t pinaigting ang pagbabantay rito ng PAGASA.
Inaasahang makararanas ng mga pag-ulan ang Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Aurora, Quezon, at Oriental Mindoro.
Karamihan sa mga ito ay inaasahang makakaranas lamang ng mahihinang pag-ulan.
Samantala, patuloy ring mino-monitor ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na dating Bagyong Ada, na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Biyernes, January 23.
Ayon sa DOST-PAGASA, maliit ang posibilidad na maging isang tropical depression ang naturang LPA sa loob ng susunod na 24 oras.
Maaari ding makaranas ng mga isolated light rains ang Metro Manila at ang iba pang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Amihan at local thunderstorms.
Iniulat din ng PAGASA na kapwa ang LPA sa loob ng PAR at ang isa pang LPA sa labas ng PAR ay nananatiling mababa ang tsansang maging ganap na bagyo sa loob ng susunod na isang araw. | via Judea Bernardo, D8TV News
