Nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ang mga larawan sa loob ng kanilang facility na ibinahagi ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy sa social media ay kuha habang sila ay nagsasagawa ng supervised bible study.
Dagdag pa ng ahensya, ang mga larawan naman sa kaparehong post na makikita ang isang indibidwal na may hawak na sigarilyo at gumagamit ng cellphone ay hindi kinunan sa loob ng pasilidad.
Sa ilalim ng patakaran ng BJMP, mahigpit umanong pinagbabawalan ang pagpasok ng mga sigarilyo at cellphone sa pasilidad.
Nanindigan naman ang BJMP sa seguridad, disiplina at integridad ng kanilang rehabilitation programs.
Si Zdorovetskiy ay nanatili sa kustodiya ng BJMP sa loob lamang ng pitong araw noong June 11 hanggang 18, 2025. | via Alegria Galimba
