Muling nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga pasahero hinggil sa tamang pagdadala ng power banks sa eroplano matapos ang ilang insidente ng sunog na hinihinalang dulot nito.
Ayon kay Capt. James Conner ng CAAP, bagaman bihira ang ganitong insidente, mahalagang sumunod ang lahat sa aviation safety regulations upang maiwasan ang peligro.
Alituntunin sa pagdadala ng power banks:
✔ 100Wh pababa – Pwedeng dalhin sa hand-carry nang walang abiso.
✔ 100Wh-160Wh – Kailangan ng pahintulot mula sa airline.
❌ 160Wh pataas – Mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng flight!
Ipinagbawal na rin ng Taiwan’s Eva Air ang paggamit at pag-charge ng power banks sa flight, habang ang mga Korean airline ay naglagay ng ban sa overhead bins para sa power banks at e-cigarettes.
Paalala sa lahat ng pasahero: I-check ang kapasidad ng power banks bago bumiyahe para maiwasan ang abala! | via Lorencris Siarez | Photo via infinithink.org
Babala sa mga pasahero: Power bank, delikado sa eroplano!
