Pinoy athletes sa 33rd SEA games, pinarangalan ng Pangulo

Pinarangalan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ang mga atletang Pilipino na lumahok sa 33rd Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Thailand noong December 2025.

Nag-uwi ang Team Philippines ng kabuuang 277 medalya mula sa palaro, ang ikaapat na magkasunod na SEA Games na lumampas sa 50 gold medals ang nakamit ng bansa.

Kabilang sa mga makasaysayang tagumpay ang unang SEA Games gold sa women’s football at ang panalo ni Alex Eala sa women’s tennis singles.

Lahat ng medalists ay tatanggap ng insentibo alinsunod sa Athletes and Coaches Incentives Act, kung saan bawat isang gold medalist ay makatatanggap ng 300,000 pesos, 150,000 pesos naman sa bawat silver medalist, at tig-60,000 pesos sa mga makakasungkit ng bronze medal.

Ayon sa Pangulo, patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng palakasan upang higit pang mahubog ang mga susunod na henerasyon ng mga atletang magdadala ng karangalan sa bansa. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *