Ex-DPWH Engr. Henry Alcantara, nasa kustodiya na ng DOJ

Sinundo sa Senado si dating Department of Public Works ang Highways District Engineer Henry Alcantara at ngayo’y nasa kustodiya na ng Department of Justice.

Nakasuot ng helmet at bulletproof vest si Alcantara ng sunduin sa Senado at mahigpit ang seguridad nito habang inililipat ng mga opisyal ng DOJ.

Si Alcantara ay nasa ilalim ng Witness Protection Security and Benefit Program ng ahensiya bilang bahagi ng iniimbestigahang flood control scam.

Isa lamang si Alcantara sa apat na indibidwal na kasama sa programa.

Matatandaang kabilang siya sa grupong nakapagsauli ng kabuuang ₱316 million pesos, bukod pa sa mga dokumento at ebidensyang makatutulong sa imbestigasyon.

Tiniyak naman ng DOJ na handa pa ring iharap sa Senado si Alcantara sakaling ipatawag ng Blue Ribbon Committee.

Samantala, nauna nang inatasan ng Sandiganbayan Third Division ang agarang pagdetine kina dating DPWH engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza sa New Quezon City Jail sa Payatas, matapos ang kanilang pagkakaaresto kahapon.

Kasama rin sa parehong pasilidad ang iba pang akusado sa kaso kabilang si dating senador Bong Revilla.

Kaugnay nito, ayon kay Senator Risa Hontiveros, nasisiyahan siya sa pinatutungahan ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects. bilang tugon sa pagkabitin umano ng minorya sa mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *