Bagyong Ada, lalong hihina pero bagong LPA namataan

Nanatiling may lakas ang Tropical Depression Ada, ngunit inaasahang hihina at magiging Low Pressure Area o LPA nalamang ito pagsapit ng Miyerkules o Huwebes, ayon sa PAGASA.

May maximum sustained winds na 55 kph malapit sa sentro ang bagyo, na may bugso hanggang 70 kph.

Ayon sa PAGASA, ang pagpasok ng tuyong hangin mula sa northeast monsoon o amihan ang dahilan kung bakit inaasahang hihina ang sistema.

Namataan ang TD Ada 1,215 kilometers sa silangan ng Northern Luzon at kumikilos pa-silangan sa bilis na 20 kph.

Gayunman, magdadala ang amihan ng malalakas hanggang mala-bagyong bugso ng hangin sa Luzon, Visayas, Caraga, Davao Region, Zamboanga Peninsula, pati sa Camiguin, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Basilan, at Tawi-Tawi.

Isang LPA naman ang namataan ng PAGASA 2,225 kilometers sa silangan ng Southern Mindanao, pero hindi ito makakaapekto sa lagay ng panahon sa susunod na 24 oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *