Sen. Hontiveros, nanindigan hinggil sa WPS

Umaasa si Sen. Risa Hontiveros na gagawa ng isang decisive action ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa inihaing diplomatic protest ng Chinese Embassy sa Maynila.

Ito’y kaugnay sa isang mensahe ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun na nagbabanta sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea na si Commodore Jay Tarriela.

Ayon kay Guo, dapat umanong tigilan ni Tarriela ang pag-atake sa Chinese leaders at pag-sira ng imahe ng China o quote-unquote “pay the price.”

Nanawagan ang senadora sa DFA na mariing ipagtanggol ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang pananahimik umano ng gobyerno ay maaaring magbukas ng pinto sa foreign interference.

Pagdidiin ng senadora, sila ang nagpapaputok ng water cannon, nananakot sa mga mangingisda, at sumisira sa ating dagat.

Noong January 19, nagpadala ng liham si Hontiveros na humihiling kay Foreign Secretary Ma. Theresa Lazaro na linawin kung ano ang gagawin ng DFA upang matiyak na rerespetuhin ng mga dayuhang embahada ang limitasyon ng kanilang diplomasya. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *