Hindi naitago ni Public Works Secretary Vince Dizon ang kanyang pagkadismaya matapos sabihin ni Discaya na pakiramdam umano niya’y siya pa ang “ninakawan” kaugnay sa pagsauli ng pera para makapasok sa Witness Protection Program.
Banat pa ni Dizon, makapal umano ang mukha ni Discaya kahit kitang-kita ang mga ebidensya laban sa kaniya.
Sa halip na magreklamo, mas mainam aniya na humingi na lamang ito ng paumanhin, isauli ang pera ng bayan, at hayaang umusad ang “due process.”
Giit naman ni Assistant Ombudsman Mico Clavano, hindi lamang pondo ang nawala sa flood control scam kundi pati ang kaligtasan ng mga Pilipino, kaya ang pagsauli ng pera ay pananagutan, at hindi pangingikil. | via Judea Bernardo
