Pinaalala ng PhilHealth na may outpatient benefits package para sa mental health! Sakop nito ang depresyon, psychosis, epilepsy, dementia, at iba pang sakit sa pag-iisip.
Ayon sa PhilHealth Circular 2023-0018, lahat ng miyembro at dependents na edad 10 pataas ay maaaring magpa-checkup, sumailalim sa diagnostic tests, at makakuha ng psychosocial support.
May nakalaang P9,000 kada taon para sa general mental health services at P16,000 para sa specialized care. Pwede itong ma-avail sa mga accredited na health centers, ospital, at mental health clinics
Para sa agarang tulong, tumawag sa National Center for Mental Health Hotline: 0917-899-8727 o 989-8727. Huwag magdalawang-isip, may libreng tulong para sa’yo! | via Allan Ortega
PhilHealth, may outpatient benefits package para sa mental health
