Deputy Speaker Puno, nagsampa ng cyberlibel complaint laban kay Rep. Barzaga

Isang cyberlibel complaint ang inihain ngayon ni Deputy Speaker Ronnie Puno laban kay Representative Francisco Barzaga sa Office of the City Prosecutor sa Antipolo.

Ito’y kaugnay sa Facebook post ni Barzaga noong January 9 na tumanggap umano ng suhol ang ilang National Unity Party congressmen para suportahan si Representative Martin Romuladez sa pagka-Speaker ng Kamara.

Ayon kay Puno, mali ang ipinaparatang ng naturang post na inilabas sa verified Facebook page ni Barzaga na may tinatayang 1.9 million followers.

Kumalat din umano ito sa iba’t ibang online news sites at social media pages.

Binanggit rin sa reklamo na may kaugnayan ang isyu sa naunang ethics case laban kay Barzaga, kung saan napatunayang guilty siya ng conduct unbecoming a member of the house at sinuspinde ng 60 days nang walang sahod at allowances.

Sa kabila nito, inilabas umano ni Barzaga ang naturang post habang siya ay nasa ilalim pa ng suspensyon, na tinuring ng kampo ni Puno bilang pagganti.

Giit ni Puno, pasok sa mga elemento ng cyberlibel ang post sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act, at hindi rin ito saklaw ng parliamentary immunity dahil ginawa umano ito sa labas ng Kongreso at walang kaugnayan sa legislative action. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *