May libreng wifi na para sa mga pasahero sa 17 bus station sa EDSA, katuwang ang Departments of Transportation and Information and Communications Technology (DICT).
Ayon sa pamahalaan, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas moderno, mabilis at convenient ang biyahe ng publiko.
Pahayag ni Transportation Secretary Giovanni Lopez, magagamit ang libreng internet hindi lang para sa pagbayad ng pamasahe, kundi pati sa ugnayan sa pamilya habang papasok sa trabaho, eskwela, o kung saan man tutungo ang pasahero.
Para makakonek sa EDSA Busway Free Wi-Fi, 3 steps lang: Piliin ang Wi-Fi sa settings, kumonek sa DICT Free Wi-Fi for All, at i-click ang agree sa Terms and Conditions.
Dagdag pa ni Lopez, kapag nagtutulungan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mas nagiging epektibo ang serbisyong naibibigay sa taumbayan. | via Ghazi Sarip
