Malaking gas field sa Malampaya, natuklasan

Isang malaking gas field na tinatayang naglalaman ng 98 billion cubic feet ng natural gas ang natuklasan malapit sa orihinal na gas wells ng Malampaya sa Palawan.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang bagong natural gas reservoir, ang pinakamalaking nadiskubre ng Pilipinas sa loob ng mahigit isang dekada, ay kayang mag-produce ng 60 million cubic feet ng natural gas kada araw.

Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na ang Malampaya East One o MAE-1 ay matatagpuan limang kilometro lang mula sa orihihal n Malampaya field.

Ayon kay Marcos, makakatulong ito para palakasin pa ang supply ng natural gas sa bansa at masigurong may sapat tayong enerhiya sa mga susunod na taon.

Matapos ang MAE-1, susunod ang pagkumpleto at pagsubok sa Camago-3 na susundan ng drilling ng Pag-asa exploration well upang tuklasin ang iba pang potensyal na reserbang gas.

Ang Malampaya gas field 65 kilometers mula sa baybayin ng Palawan ay matagal nang nagsisilbing haligi ng seguridad sa enerhiya ng bansa bilang pangunahing pinagkukunan ng natural gas. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *