Dalawa, nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ada —NDRRMC

Dalawang katao ang naiulat na nasawi matapos hagupitin ng Bagyong Ada (internasyonal na pangalang Nokaen) ang ilang bahagi ng Bicol Region, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Sinabi ng ahensya na isinasailalim pa sa beripikasyon ang mga nasawi ngunit kumpirmadong biktima ng pagguho ng lupa sa Matnog, Sorsogon ang dalawa.


Aabot na sa 7,170 pamilya o 10,249 indibidwal ang apektado sa Bicol at Caraga. May 82 katao ang inilikas bilang pag-iingat, habang 71 lugar ang binaha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.


Nagbigay na ang pamahalaan ng tulong na nagkakahalaga ng ₱547,765, kabilang ang pagkain at iba pang relief goods. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *