Bumalik na sa bansa ang dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Manuel “Manny” Bonoan.
Kinumpirma ito ng Bureau of Immigration, kung saan dumating sa Ninoy Aquino International Airport, nitong Linggo ng umaga, January 18.
Dumating si Bonoan sakay ng China Airlines flight CI0701 mula Taipei, Taiwan.
Ayon sa Immigration, isinailalim si Bonoan sa Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO matapos magpalabas ng direktiba ang Department of Justice (DOJ) upang bantayan ang kanyang mga biyahe kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y mga maanomalyang flood control at tinaguriang “ghost” projects.
Batay sa rekord, umalis ng bansa si Bonoan noong nakaraang taon upang samahan ang kanyang asawa sa Estados Unidos para sa medical matters.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, agad nilang ipinaalam sa Kalihim ng DOJ ang pagdating ni Bonoan alinsunod sa umiiral na mga patakaran. | via Judea Bernardo
