Maaaring tumaas nang hanggang dalawang piso kada litro ng diesel sa susunod na linggo.
Ayon sa Jetti Petroleum, pwedeng pumalo ng mula P1.80 hanggang P2.00 ang presyo ng diesel habang mula piso hanggang P1.20 naman ang maaaring itaas ng presyo ng gasolina.
Kapag ipinatupad, ito na ang pang-apat na magkasunod na pagtaas ng presyo ng diesel at pangalawa sa gasolina.
Bunsod umano ito ng malaking pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa merkado mula pa noong Lunes.
Bunsod umano ng pagkabahala ng patuloy na geo-political tension sa Venezuela, Iran, at Russia-Ukraine.
