LeBron James umabot sa historic 50,000 point sa NBA

LeBron James gumawa na naman ng kasaysayan! Siya ang kauna-unahang NBA player na nakaabot sa 50,000 career points—kasama ang regular at postseason.
Naabot niya ang milestone sa laban ng Lakers vs. Pelicans (Manila time, Miyerkules) sa 8:34 mark ng unang quarter. Pumukol siya ng tres mula kaliwang pakpak matapos makatanggap ng pasa mula kay Luka Doncic—swak! Sigawan ang crowd!
Sa listahan ng mga all-time greats, Kareem Abdul-Jabbar (44,149) at Karl Malone (41,689) lang ang lumagpas sa 40K. Samantala, sina Kobe Bryant (39,283) at Michael Jordan (38,279) ang nasa Top 5.
Pumasok si LeBron sa laro na may 49,999 points, galing sa panalo kontra Clippers. Sa kasalukuyan, lamang ang Lakers 19-15 kontra Pelicans sa first quarter! | via Allan Ortega | Photo via AFP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *