Sinisilip ngayon ng isang kumpanya ng langis sa Abu Dhabi ang posibilidad ng pangmatagalang kasunduan upang mag-supply ng langis sa Pilipinas.
Plano ring magtayo ng Abu Dhani National Oil Company o Adnoc ng isang strategic petroleum storage facility sa Subic, Zambales o La Union.
Napag-usapan ito sa pulong ng delegasyon ng Pilipinas at mga opisyal ng Adnoc noong January 12, sa sidelights ng working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakailan.
Ayon sa Department of Trade and Industry, ang planong storage facility ay makatutulong para palakasin ang energy security at supply resilience ng bansa.
Makikinabang ang mga proyektong ito sa Philippines-UAE Comprehensive Economic Partnership Agreement, ang unang free trade agreement ng Pilipinas sa isang Middle East country, at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Bukas ang Pilipinas sa malalaking foreign investors, lalo na’t pinapayagan ang 100% foreign ownership sa refining at distribution ng mga produktong petrolyo. | via Allan Ortega
