Mariing itinanggi ng kampo ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez ang umano’y ugnayan nito sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Giit ng kanyang abogado, hindi kailanman nakipagtransaksiyon si Romualdez sa mag-asawang kontratista na sangkot umano sa mga maanomalyang flood control project.
Lumabas ang isyu matapos ibunyag ni Senator Ping Lacson na ginamit umano ng dating Speaker ang mga Discaya bilang “front” sa pagbili ng house and lot sa isang eksklusibong subdibisyon sa Makati.
Isa raw ito sa mga susuriin sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa flood control projects sa Lunes, January 19.
Matatandaang itinanggi ni Curlee Discaya noong September 2025 na nagkaroon sila ng direktang transakyon kay Romualdez. | via Alegria Galimba
