DOE, kinansela ang libo-libong MW na kontrata ng Solar Philippines

Kinumpirma ni Energy Secretary Sharon Garin nitong Martes na kinansela na ng Department of Energy o DOE ang ilang kontrata ng Solar Philippines dahil sa kabiguang tuparin ang mga nakasaad na commitment sa mga proyekto.

Ayon kay Garin, umabot sa humigit-kumulang P24 billion ang ipinataw na penalties sa Solar Philippines matapos ang pagwawakas ng mahigit 11,000 megawatts na kontrata, na itinatag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste sa nakalipas na dalawang taon.

Pahayag ng kalihim, ayaw umano ng pamahalaan na malagay sa panganib ang seguridad sa enerhiya ng bansa dahil sa mga “flippers at opportunists” na nakikinabang ngunit hindi naman natutupad ang mga proyekto.

Nilinaw ng ahensya na ang mga multa ay alinsunod sa mga probisyon ng kontrata at bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang panagutin ang mga energy developer na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Rep. Leandro Leviste at ang Solar Philippines kaugnay ng naturang kanselasyon ng mga kontrata. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *