Mahigit 2,000 indibidwal na ang nasawi sa patuloy na mga protesta sa Iran, ayon sa U.S.-based group na Human Rights Activists in Iran o H-RANA.
Kabilang sa mga namatay ang 1,850 demonstrators, 135 government forces, siyam na menor de edad, at siyam na sibilyang hindi lumahok sa protesta.
May halos 800 kaso pa umanong sinusuri ang grupo.
Inaasahan ng H-RANA na mas mataas pa rito ang aktwal na bilang dahil sa total internet at communication blackout na nagpapabagal ng beripikasyon.
Samantala, pinalalakas pa ng U.S. ang tensyon matapos magbanta si Pangulong Donald Trump ng posibleng aksyong militar at taripa laban sa mga bansang nakikipagkalakalan sa Iran.
Tinalakay rin ng U.S. at Israel ang posibleng intervention, ngunit ayon sa mga source, mananatili pa rin ang rehimen maliban lamang kung mag tuluy-tuloy ang malawakang protesta at pagbaliktad ng mga nasa pinakamataas na kapangyarihan. | via Allan Ortega
