Remulla brothers, inalok umano ng P1-B para ipatigil ang flood control probe

Isang bilyong piso–ito umano ang inalok kay Interior Secretary Jonvic Remulla at Ombudsman Crispin Remulla para patigilin ang imbestigasyon kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Jonvic, nagmula ang alok sa isang mutual friend ng isang personalidad na sangkot sa anomalya.

Nangyari raw ito sa isang private meeting dalawang linggo na ang nakakaraan.

Agad umano niyang ipinaalam kay Pangulong Bongbong Marcos ang alok na kanilang mariing tinanggihan.

Sa ngayon, 26 na indibidwal nang sangkot sa flood control scam ang nakasuhan.

Sabi ng kalihim, asahan daw ang marami pang kasong isasampa kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ito ay sa kabila ng mga kritisismong wala pang ‘big fish’ na nakukulong, taliwas sa pangako noon ng Pangulo. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *