Pinaaareto na ng Laguna Regional Trial Court Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna ang warrant of arrest laban sa negosyanteng si Atong Ang sa kasong kidnapping with homicide.
Bukod kay Ang, pinaaaresto rin ang 17 iba pa kaugnay sa kaso ng pagkawala ng tinatayang nasa 34 sabungero.
Batay sa dokumento ng korte, nakitaan ng sapat na basehan para arestuhin ang mga akusado.
Nakasaad din sa warrant na non-bailable ang kaso dahil sa bigat ng kanilang pagkakasala.
Matatandaang noong December 2025 ay naghain ng kaso ang Department of Justice (DOJ) laban kay Ang sa ilang mga korte dahil sa mga nawawalang sabungero. | via Alegria Galimba
