Tulfo: Alisin ang travel tax para sa Economy Class passengers

Nanawagan si Senator Raffy Tulfo na tanggalin ang travel tax ng mga sakay sa economy class para sa mga Pilipinong bumibiyahe, lokal man o abroad.

Sa kanyang pagsulong ng Senate Bill No. 88, sinabi ni Tulfo na patuloy na nagiging pabigat ang travel tax lalo na sa mga pasaherong kapos sa badyet at umaasa lamang sa murang pamasahe para makabiyahe.

Ayon pa sa senador, hindi maikakaila na ang pangkaraniwang Pilipinong biyahero ay patong-patong na ang gastusin, mula sa mataas na pamasahe hanggang sa buwis sa kita at konsumo.

Bunsod nito, layunin ng panukala na i-exempt ang lahat ng economy class passengers sa pagbabayad ng nasabing buwis bilang pagpapagaan sa mga biyahero.

Nilinaw ng senador na hindi tuluyang aalisin ang travel tax, mananatili ito para sa mga biyahe na business class o mas mataas pa na may mas malaking kakayahang mag-ambag sa pondo ng bayan. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *