Inamin ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na apektado ngayon ang kanilang imbestigasyon dahil sa kakulangan ng mga commissioner.
Ayon kay ICI Special Adviser Rodolfo Azurin Jr., dahil sa problemang ito hindi sila makakapag-endorso sa Office of the Ombudsman ng mga personalidad na dapat kasuhan kaugnay sa mga maanomalyang flood control projects.
Sa kasalukuyan, si ICI chairperson Andres Reyes Jr. na lamang ang natitirang komisyoner matapos magbitiw sa puwesto sina Rogelio “Babes” Singson at Rossana Fajardo.
Nag-resign si Singson noong Disyembre dahil sa health concerns, habang nagbitiw si Fajardo nang matapos niya ang mga tungkuling nais niyang gampanan.
Sa kabila nito, tiniyak ni Azurin na patuloy nilang ihahanda ang mga dokumento at ebidensya sakaling madagdagan na ang mga komisyoner. | via Ghazi Sarip
