Naitala ang pinaka-unang insidente ng harassment ng China laban sa mga mangingisdang Pilipino ngayong taon.
Ayon kay Rear Admiral Roy Trinidad, sabay na bumuntot sa mga mangingisda ang isang barko ng People’s Liberation Army at isang barko ng China Coast Guard sa bisinidad ng Bajo de Masinloc.
Ilang ulit ding pinatunog ng mga barko ng China ang kanilang mga siren habang hinaharangan ang daraanan ng mga bangka.
Agad namang rumesponde ang BRP Cape San Agustin ng Philippine Coast Guard na nagbigay ng tulong, kabilang ang pamimigay ng gasolina para makapagpatuloy ang mga mangingisda sa kanilang hanapbuhay.
Pinabulaanan naman ni Colonel Trinidad ang alegasyon ng China na ang Pilipinas ang nagsisimula ng hidwaan sa WPS.
SOT/ Rear Admiral Roy Trinidad
“Talk is cheap , anybody can say anything but the facts on the ground would paint a different story”
Matatandaang sa pamamagitan ng “10-dash line,” inaangkin ng Beijing ang halos buong South China Sea, pero hindi ito sinang-ayunan ng isang International Arbitral Court noong 2016. | via Ghazi Sarip
