Pilipinas, isinusulong ang paghabol kay Zaldy Co sa pamamagitan ng extradition treaty sa Portugal


Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na simulan na ang proseso ng pakikipag-ugnayan sa Portugal para sa extradition ng tumatakas na dating Ako Bicol party-list congressman na si Zaldy Co.


Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, kahit wala pang pormal na extradition treaty ang Pilipinas at Portugal, inatasan na ng Pangulo ang pamahalaan na maghain ng pormal na aplikasyon upang maibalik sa bansa si Co at maharap sa mga kaso laban sa kanya. Si Co ay inuugnay sa multi-bilyong pisong anomalya sa flood control projects at sa mga umano’y kuwestiyunableng budget insertions.


Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang gobyerno sa International Criminal Police Organization o Interpol upang hilingin ang repatriation ni Co, sakaling mapatunayang nasa Portugal nga ito. Ayon kay Remulla, may hinala rin ang mga awtoridad na may hawak na Portuguese passport ang dating kongresista.


Layunin ng mga hakbang na ito na matiyak ang pag-aresto at pagbabalik ni Zaldy Co sa Pilipinas upang mapanagot sa batas. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *