Sumampa na sa labing-isa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagguho ng lupa sa isang landfill sa Cebu City.
Ayon sa Cebu City Fire Station sa kanilang pinakahuling update ala-5 kaninang umaga, dalawampu’t lima pa ang nananatiling nawawala matapos ang trahedya.
Labindalawang katao naman ang naiulat na sugatan dahil sa insidente.
Magmula pa noong Huwebes ng hapon, patuloy ang isinasagawang search and rescue operations sa landfill site sa Barangay Binaliw kasunod ng pagguho ng lupa sa lugar.
Samantala, nagpalabas na ng cease-and-desist order ang Department of Environment and Natural Resources-Central Visayas laban sa Prime Integrated Waste Solutions, ang operator ng landfill.
Nauna nang sinabi ng Prime Waste Solutions Cebu na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad upang magbigay ng kinakailangang tulong at suporta sa mga apektado ng insidente. | via Judea Bernardo
