Inanunsyo ng Malacañang na sina Executive Secretary Ralph Recto, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, at Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang magsisilbing caretaker ng bansa habang nasa working visit sa Abu Dhabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, nakatakda ang byahe ng pangulo patungong UAE ngayong January 12.
Sa kanyang working visit, inaasahang malalagdaan ang isang memorandum of understanding sa defense cooperation at ang Comprehensive Economic Partnership Agreement sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates.
Matatandaang matagal nang pinananatili ng UAE ang matibay na ugnayan sa Pilipinas mula nang maitatag ang pormal na relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong 1974. | via Judea Bernardo
