Obiena hindi makakasali sa World Indoor. nakatuon sa outdoor season

Pinoy pole vault star EJ Obiena kumpirmadong hindi makakasali sa World Indoor Championships sa China ngayong Marso 21-23!
Dahil sa back injury na nagpahinto sa kanyang 2024 season nang maaga, kulang siya sa kumpetisyong kailangang salihan para makapag-qualify.
“Hinanap na namin ang lahat ng posibleng laban, pero wala na,” sabi ni Obiena.
Kahit ganito ang sitwasyon, lumalakas naman siya sa training at nakatutok na ngayon sa outdoor season kung saan lalaban siya sa World Championships, Asian Championships, at SEA Games.
“Ang mahalaga, healthy ako at handang sumabak sa mas matitinding laban!” dagdag niya.
Abangan si Obiena sa Mondo Classic sa Marso 13 bago sumabak sa outdoor events! | via Lorencris Siarez | Photo via varsitarian.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *