Draft ng National Flood Management Framework, natapos na ng DENR

Natapos na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang draft ng National Flood Management Framework na layong baguhin ang tradisyunal na reactive management sa baha at isama ito sa mas malawak na plano sa tubig at kaunlaran.

Ayon sa DENR, ang bagong framework ay nagtataguyod ng flood management bilang bahagi ng isang interconnected system na sumusuporta sa irigasyon, suplay ng tubig, hydropower, seguridad sa pagkain, proteksyon sa kalikasan, at lokal na kaunlaran, sa halip na ituring na hiwalay na proyekto.

Nakapaloob sa plano ang flood management na nahahati sa apat na pangunahing prinsipyo partikular ang nature-based solutions sa headwaters, pag-papabuti ng strategic impoundment ng tubig,
tamang paggamit ng green at grey infrastructure at pagpapahalaga sa land-use planning at risk-sensitive development.

Binigyang-diin naman ng Department of Economy, Planning, and Development na titiyakin nito ang pagkakaugnay ng framework sa lahat ng flood master plans upang maging consistent sa hinaharap. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *