Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na aalisin na ang tinatawag na “allocables” sa 2026 national budget ng ahensya at papalitan ito ng isang budgeting system na mas nakaayon sa aktwal na pangangailangan ng bawat rehiyon sa bansa.
Ayon kay Dizon, layunin nitong pigilan ang pagpasok ng mga proyektong walang malinaw na plano at endorsement, at wakasan ang sistema ng palakasan sa mga programang pang-imprastruktura.
Binigyang-diin pa ng kalihim na lahat ng proyekto ay kinakailangang may konkretong plano at aprubado ng mga local at regional development council. | via Judea Bernardo
