PBBM, hindi nababahala sakaling may impeachment complaint laban sa kanya —Malacañang

Kumpiyansa ang Malacañang na malaki ang tiwala ng Kamara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng usaping paghahain ng impeachment complaint laban sa kanya.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, handa ang Pangulo sa anumang ihain laban sa kanya dahil iginagalang nito ang proseso ayon sa Konstitusyon.

Giit pa ni Castro, ang paghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulo ay para maibaling ang usapin ng umano’y pagwawaldas at pagtanggap ng milyon-milyong pondo ni Vice President Sara Duterte mula sa drug lords.

Matatandaang ibinunyag ni Caloocan Rep. Edgar Erice na may ilang mambabatas na nagpaplanong maghain ng kaso laban sa Pangulo.

Batayan umano ng mga ito ang betrayal of public trust matapos niyang pirmahan ang 2026 General Appropriations Act.

Ayon kay Castro, posible umano na ang pamilya Duterte ang nasa likod ng usaping ito.

Depensa ng Palasyo, walang ninakaw na pondo ang Pangulo dahil siya mismo ang nagpapaimbestiga ng malawakang korapsyon sa flood control projects. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *