Tetestigo si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon laban sa mga kasong kinakaharap ng dating kongresista na si Zaldy Co.
Sa isang press conference, inanunsyo ni Dizon ang kanyang pagtestigo sa trial ng kaso sa January 20 sa Sandiganbayan.
Ito ay kaugnay sa kaso ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Oriental Mindoro.
Samantala, inilabas na ng DPWH ang unang batch ng mga opisyal ng ahensya na sinibak sa pwesto.
Ayon kay Dizon, parte ito ng gumugulong na imbestigasyon kaugnay sa mga proyekto sa loob ng ahensya.
Kabilang dito ang regional directors na sina Ronnel Tan ng Region 1, Jovel Mendoza ng Region 4A, Virgilio Eduarte ng Region 5 at Danilo Villa ng Region 7.
Tinanggal din sa pwesto sina Region 4B Assistant Regional Directors OIC Neil Farala, Annie dela Vega ng Region 5, Metro Manila District Engineer Ruel Umali at South Manila DE Manny Bulusan.
Bukod sa mga ito, may mga sinibak ding district engineers dahil sa bigong makamit ang ilang Civil Service Commission qualification standards. | via Alegria Galimba
