Retiradong PNP official, sinisilip ng NAPOLCOM tungkol sa korapsyon

Isang retired police official na mahilig magsuot ng mga mahahaling sapatos habang naka-uniporme ang sinisilip ngayon ng mga otoridad tungkol sa katiwalian.

Natuklasan kasi ng National Police Commission o NAPOLCOM ang mas maraming reklamo ng korapsyon laban sa retiradong opisyal na dating director ng Philippine National Police Health Service.

Ayon sa NAPOLCOM, mahigit limang pulis na mula mismo sa Health Service ang nagsumbong ng mismanagement at posibleng korapsyon noong termino nito.

Dalawang araw bago ang kanyang pagreretiro noong December 25, sinampahan siya ng administrative cases ng NAPOLCOM matapos ang kontrobersiya ng pagsusuot niya ng branded na sapatos na nagkakahalaga ng higit P70,000 habang naka-uniporme.

Ayon sa NAPOLCOM, walang itinakdang brand ng sapatos sa patakaran ng PNP ngunit mahalaga ang pagiging simple nito upang mapanatili ang tiwala ng publiko. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *